Halina sa Kabisera ng Pilipinas!

Ano ang unang mong masasabi kung maririnig mo ang lugar na Pilipinas? Bakit nga ba ito dinadayu ng mga turista? Halina’t alamin ang makakasaysayang handog na maipagmamalaki ng Pilipinas.

Mapapamangha ka sa gandang hatid ng bansang Pilipinas. Magandang pakikitungo ng mga Pilipino ang bubungad sa inyo pati ang makapigil hiningang tanawin. Magiging interesado ka sa kultura at paniniwala ng mga Pilipino.

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging palakaibigan,maayos makitungo sa mga bisita at ang pagiging masaya sa kahit aning oras. Ang pagiging palakaibigan ng mga Pilipino ay isa sa mga dahilan kung bakit binabalikan ng mga dayuhan ang bansang ating kinalakihan. Para sa mga dayuhan ang dalawang araw ay di sapat para lasapin at namnamin ang gandang hatid na maibibigay ng Pilipinas. Narito ang ilang dahilan kung bakit patuloy na dinadayu ang ating pinakamamahal na bansang Pilipinas.

Ang mga mala-kristal na puting buhangin sa mga dalampasigan ay di matatawaran ang taglay na kagandahan. Tanyag sa mga dayuhan ang iba’t ibang “beach resorts” dito sa Pilipinas. Tulad ng Boracay at Palawan na kilala dahil sa mala-paraisong lugar. Inilalarawan ng mga dayuhan ang iba’t ibang karagatan ng Pinas bilang “postcard-perfect”. Dahil sa masarap na simoy ng hangin “that will totally feel them at home”.

Ang mga Pilipino ay likas na kilala sa pagiging “friendly”. Tinuturing na isang parte ng pamilya ang isang bisita. Hindi ka bibitinin sa kasaysayan,kultura,at paniniwala lalong lalo na sa pagkain.

Likas sa mga turista ang pagtuklas ng iba’t ibang pagkain ng tatak sa isang lugar. Maliban sa mga makapigil hiningang tourist spots, may maraming maihahandog ang mga Pinoy. Kilala ang mga pinoy sa pagkaing letchon, balut,sisig,durian,at marami pa. Dito sa Pilipinas, mararanasan mong magkamay kaya maraming dayuhan ang interesado sa pamamaraan na ito.

Lalo na sa mga okasyun di magpapahuli ang mga Pilipino. At di mawawala ang karaoke machine, ika nga ng mga turista ,”Filipino are a good singer”. Likas nga sa ating mga Pilipino ang pagiging talentado di maipagkakait na halos ng mga nanalo sa ibang bansa ay tanyag na “FILIPINO PRIDE” tulad nlng nila Jed Madela at iba pa.

Sa kabilang dako, ang Pilipinas ay hitik rin sa mga aktibidadis. Kagaya na lamang ng mga pag-akyat sa mga bundok, sa ilalim ng karagatan, at marami pa. Di maipagkaila na kay rami nga talagang maipagmamalaki ang bansang ating kinalakihan.

Ilan lamang ito sa mga ipinagmamalaki at kadahilan kung bakit dinadayu tayo ng mga dayuhan ang ating pinakamamahal na bansa. Kaya dapat lamang ating pangalagaan at ipreserba ang kagandahan ng ating mala-paraisong bansa. Kung di mo pa napuntahan ang Pilipinas,”Come! Let’s enjoy the beauty of the Philippines. Tara na sa Kabisera ng Pinas”.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started